RIGHT decision, ayon kay Edgar Allan Guzman, ang paglipat niya sa ABS-CBN from TV5, kahit alam niya na tambak ang magagaling na Kapamilya drama actors kaya marami siyang kakumpetensiya.

Sa Aquino & Abunda Tonight, prangkang inamin ng aktor na matagal na niyang pinangarap na maging bahagi ng ABS-CBN.

“Bilang isang aktor, gusto ko pong i-explore ‘yung passion ko sa acting. Mahal na mahal ko po ang acting and gusto ko magkaroon ng growth as an actor. And matagal ko na pong gustong lumipat at ngayon na nakalipat na ako, it is a dream come true po,” pahayag ni Edgar Allan.

Mukha ngang sinusubok na agad ng Dos ang galing niya sa drama dahil isinabak agad siya sa Maalaala Mo Kaya. Ilang beses na siyang itinampok sa MMK pero nitong nakaraang Sabado siya gumanap sa pinakamalaking role bilang gay caregiver na hindi matanggap noong una ng kanyang ama.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Kaabang-abang kung magagawa bang makasunod ni Edgar Allan Guzman sa yapak nina John Lloyd Cruz at Coco Martin bilang mga pangunahing drama actors ng ABS-CBN.

May TV series na rin kaagad siya, dahil kasali siya sa cast ng Oh My G na klik na klik sa televiewers ngayon.