Mga laro ngayon (Marikina Sports Complex):

2pm -- Racal Motors vs. Bread Story

4pm -- Cagayan Valley vs. Wangs Basketball

Makamit ang ikaapat at huling quarterfinals berth ang tatangkain ng baguhang Bread Story-Lyceum habang ganap namang mawalis ang eliminations ang target ng Cagayan Valley sa nakatakda ngayong double header sa pagtatapos ng elimination round ng 2015 PBA D League Aspirants Cup sa Marikina Sports Complex Gym.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Hawak ang barahang 4-6, panalo-talo, kailangang talunin ng Pirates ang kapwa baguhang Racal Motors sa unang laro ganap na alas-2 ng hapon.

Sakaling matalo nila ang Alibabas, magtatabla sila ng Tanduay Rhum sa ika-apat na puwesto hawak ang kartadang 5-6 ngunit sila ang papasok sa susunod na round at magkakaroon ng karapatang harapin ang No. 3 team na Cafe France sa quarters sa bisa ng winner-over the other rule.

Bagama’t wala na sa kontensiyon, hindi puwedeng balewalain ng Bread Story ang Racal Motors na mangagaling sa panalo sa nakaraan nilang laban kontra MJM-M Builders noong nakaraang Enero 15 sa iskor na 94-92.

Bilang paghahanda sa kanilang mga susunod na kampanya sa liga, pinalakas ng tropa ni coach Caloy Garcia ang kanilang roster sa pamamagitan ng pagkuha sa serbisyo ng mga dating NCAA standouts na sina Mark Romero at Keith Agovida na malaki ang naitulong sa koponan sa nakaraan nilang tagumpay.

Samantala sa tampok na laro, galing naman sa malaking tagumpay kontra sa dating kapwa unbeaten Hapee, tatangkain ng Rising Suns na pormal na makumpleto ang sweep ng eliminations sa pagsagupa nila sa Wangs Basketball.

Kahit dadalawa lamang ang naipanalo ng Wangs sa una nitong sampung laban, naniniwala si Rising Suns coach Alvin Pua na hindi sila puwedeng balewalain.

``Gusto sana namin na makasweep, pero hindi pa rin kami nakakasiguro hangga`t hindi pa tapos ang laro. Malakas din kasi ang Wangs kaya mahirap din silang kalaban.”