Humaba pa ang listahan ng mga posibleng pagkalooban ng pardon matapos na magdagdag ang Board of Pardons and Parole (BPP) ng 140 bagong pangalan ng mga bilanggo na posibleng mabigyan ng executive clemency.

Sa public notice na inilathala sa isang pahayagan noong Biyernes, nanawagan din si BPP Executive Director Reynaldo Bayang sa publiko na makibahagi sa vetting process ng mga kandidato sa presidential pardon.

“Any interested party may send his/her written objections/comments/information relevant to the cases of above-named prisoners to the undersigned not later than 30 days from date of publication,” saad sa public notice.

Sa kabuuan, ang bilang ng mga posibleng tumanggap ng presidential pardon ay umakyat na sa 234 simula nang ihayag ni Justice Secretary Leila de Lima ang posibilidad na mapagkalooban ng pardon ang mga bilanggong may good moral standing.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nobyembre 27 ng nakaraang taon nang inirekomenda ng BPP ang 47 bilanggo para sa executive clemency. Gayunman, nakabimbin pa rin sa Malacañang ang desisyon tungkol dito.

Una nang ninais ni Pangulong Benigno S. Aquino III na magkaloob ng executive clemency sa mga kuwalipikadong bilanggo kaugnay ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong nakaraang linggo bilang “gift” sa Papa.