IPINAKITA sa isang media conference sa Miami, Florida, USA ang design ng crown na ipapatong sa ulo ng mananalong Miss Universe 2014 sa coronation rites bukas at mapapanood nang live sa Pilipinas sa Lifestyle Network at via satellite airing naman sa ABS-CBN simula 10 AM.

MJ-Lastimosa-247x300Ang bagong dinisenyong korona, ayon sa organizers ng Miss Universe, ay 3,000 hours ang ginugol para magawa at inspired ng Czech royalty at iba-iba pang royalty crowns history.

Maugong ang balitang malaki ang tsansa na mapasama sa top 5 o kaya’y mahirang na bagong Miss Universe ang ating pambatong si Mary Jean Lastimosa, lalo na’t in the past five years ay laging napapansin ang ating mga kandidata sa nasabing patimpalak.

Bago pa man ganapin ang finals ng 63rd Miss Universe Pageant ay binabansagan nang “Pageant Capital of Asia” ang Pilipinas dahil sa ating mga kandidatang umagaw sa pansin ng mundo gaya nina Precious Lara Quigaman, Venus Raj, Ariella Arida at marami pang iba.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sabi ng mga eksperto, baka nga raw plus pogi points ang pagdalaw sa ating bansa ni Pope Francis noong nakaraang linggo dahil lumikha ng awareness sa buong mundo ang pinakamalaking bilang ng mga Katoliko na dumalo sa isang papal mass.

And to think din daw na isa sa magiging hurado sa Miss U ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na kahit papaano ay magsisilbing inspirasyon sa pakikipagpaligsahan ng ating kandidatang si MJ. Magsisilbi naman bilang online backstage host si Ariella Arida.

Bukod pa rito, matataas ang tinatamong scores ni MJ kaya isa siya sa mga nangunguna sa preliminary round competitions.

Tumutok sa pinakaaabangang pagrampa ng 88 kandidata na magpapasiklab ng kanilang ganda at talino sa 63rd Miss Universe Pageant at abangan kung maipagpapatuloy ni MJ ang magandang performance ng Pilipinas sa Miss Universe.

Samantala, mapapanood din ang bigating Hollywood celebrities suot sa kanilang nagagandahang red carpet outfits sa star-studded na 21st SAG Awards na eere rin sa Lunes, 9 PM sa Lifestyle Network.

Ang Screen Actors Guild (SAG) Awards ang nag-iisang award giving body na nagbibigay parangal sa mga pagganap ng mga artista na pinili ng SAGAFTRA (Screen Actors Guild American Federation of Television and Radio Artists). Ngayong taon, maglalaban-laban ang mga pelikulang Boyhood, Birdman, The Grand Budapest Hotel, at The Theory of Everything sa category na best performance by a cast in a motion picture.