Naging makahulugan, natatangi at isang mahalagang kasaysayan sa ating bansa ang limang araw na pagbisita ni Pope Francis Mula sa kanyang pagdating noong Enero 15 hanggang sa umaga sa ng Enero 19, masaya at mabunying sinalubong at inihatid siya ng milyon nating kababayan. Marami ang nakadama na sila’y pinagpala matapos makita si Pope Francis na masaya at sa kanila’y ngumiti at kumaway. Hindi rin naiwasan ng iba ang maluha sa kagalakan. Ngunit para sa maraming Pilipino, ang pagdalaw ng Papa sa bansas ay nag-iwan ng bagong pag-asa, tumibay na pananalig sa Diyos at matapat na pag-ibig sa kapwa.

Bukod sa mga nabanggit, natanim din sa puso mga Pilipino ang mga mahalagang bahagi ng homily ni Pope Francis sa misa sa Manila Cathedral, Tacloban City at Rizal Park na anim na milyon ang dumalo. Gayundin ng pakikipag-usap niya sa mga pamilya sa Mall of Asia at pakikipagtagpo sa mga kabataan at mag-aaral sa University Sto. Tomas. Sa Misa ni Pope Francis Manila Cathedral na dinaluhan ng mga pari, obispo, madre at ibang religious leader. Hindi na malilmot ang hiling ni Pope Francis sa mga pari at mga alagad ng Simbahan na hindi dapat maging kumportable sa sistema ng di-pagkakapantay-pantay sa lipunan. Maging payak o simple ang pamumuhay.

Sa Tacloban City, nagmisa si Pope Francis sa kabila na malakas na ulan at hangin dala ng bagyo. Dinaluhan ng mga survivor ng Yolanda at libu-libong deboto. Ang pagpunta ni Pope Francis sa Tacloban City ay ang pangunahing dahilan ng kanyang pastoral visit. ang dalawin at kausapin ang mga biktma ng bagyong Yolanda. Sa bahagi ng homily ni Pope Francis, napaluha ang mga deboto at survivor ng bagyo nang sabihin niyang marami sa mga taga-Tacloban ang nawalan ng pamilya. Ang magagawa niya ay manahimik at lumakad kasama sila na naroon ang kanyang puso. Tumingin tayo kay Kristo. Siya ang Panginoon. Hindi dapat manghina ang pananampalataya sapagkat nasa harap natin si Jesus.

Sa bahagi ng mensahe ni Pope Francis sa mga nasa pamahalan, sinabi niya ngayon na at higit kailan man, kailangan ang mga political lider na maging namumukod sa katapatan at may pangako sa kabutihan; iwaksi ang lahat ng uri ng katiwalian at huwag ipagkait sa mga mahihirap ang mga biyayang kaloob ng Diyos. Matupad kaya ito sa ating gobyerno at isabuhay ng mga sirekro at paysao sa pulitika?
National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador