Nagpaliwanag kahapon si Southern Police District (SPD) Director Chief Superintendent Henry Ranola Jr., kaugnay sa isyu sa food allowance ng mga pulis na nagsilbi sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Ayon kay Ranola ang P2,400 na food allowance ng bawat isang pulis mula sa SPD na itinalaga sa mga aktibidad ng papal visit ay inilaan sa catering para sa pagkain ng mga ito sa agahan, tanghalian at hapunan upang tiyak na maayos at masustansiya ang kanilang kakainin habang ang iba sa pondo ay inilaan sa office supplies.

Sinabi pa ng opisyal, inakala ng mga pulis na ibibigay sa kanila ng cash ang naturang food allowance kaya nagkaroon ng kalituhan at pagrereklamo ng mga ito matapos na hindi naman matanggap ang nasabing pera.
National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'