Gerald-Julia-and-JC-482x500

TAMPOK sa kakaibang kuwento ng pag-iibigan sa unang patikim ng Star Cinema ngayong 2015 ang tatlo sa pinakamahuhusay at accomplished na young performers ng Kapamilya Network.

Ang Halik Sa Hangin ang masasabing pinakaengrande at pinakahihintay na unang pagsasama nina Gerald Anderson, JC de Vera, at Julia Montes sa pinilakang-tabing. Inaabangan ng kanilang mga tagahanga ang napapabalitang di-malilimutang cinematic experience sa Halik Sa Hangin at madamdaming pagganap ng tatlo sa kanilang pinaka-daring na papel.

Ipapakita sa pelikulang ito ng direktor na si Manny Palo, mula sa panulat ni Patrick John Valencia, ang kakaibang uri ng pag-iibigan. Iinog sa istorya sa isang dalagita na mapapasuong sa hindi inaasahang pagmamahalan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang sumakabilang buhay ang ama ni Mia (Julia Montes), nagdesisyon ang kanyang pamilya na tumira sa Baguio. Doon niya makikilala ang dalawang lalaki na babago sa ikot ng gulong ng kanyang buhay. Ang katauhan ni Gio (Gerald Anderson) ang magtutulak kay Mia para baguhin ang sarili at mas maging mapangahas sa pagharap sa mga kinakatakutan niya sa buhay. Samantalang si Alvin (JC de Vera) naman, isang responsible at mature na binata, ang magtuturo sa kanyang mas maging passionate at bukas sa paggalang sa mga maaaring bumago sa takbo ng kanyang buhay.

Ngunit dapat maging handa si Mia dahil dadalhin siya nina Gio at Alvin sa naiibang mundo ng obsesyon at pag-ibig. Dapat din siyang maging handa sa pagharap sa mga kinakatakutan at sa magiging kapalit ng pag-ibig. Handa ba siyang isakripisyo ang lahat upang yakapin ang pag-ibig na babago sa kanyang buhay?

Dapat ding abangan ang uri ng pagmamahalan na sisindak at malaki ang kapalit.

Makakasama nina Gerald, JC at Julia sa Halik sa Hangin sina Ina Raymundo at Edu Manzano.

Abangan ang bagong lasa ng seduction, passion, at obsesyon at ang matatapang at mapangahas na mga karakter sa pelikulang ito na mapapanood na sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa Enero 28.