Walong kabataang babae na ginagamit sa prostitusyon ang nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) habang dalawang bugaw ang inaresto sa operasyon kahapon ng madaling-araw, sa Quezon City.

Sa pamumuno ng NBI Anti-Human Trafficking Division, una silang naglunsad ng entrapment operation sa bahagi ng Scout Reyes at Gandia Streets.

Napag-alaman na ibinibenta ng dalawang bugaw ng P1,500 ang mga menor-de-edad sa makukuha nilang kostumer.

“Iyung modus nila tumatambay sa establishment, sa kainan o inuman tapos inaalok nila kung gusto mo mag-good time,” ayon kay NBIAHTD Executive Officer Atty. Basset Sarif.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Aniya, dalawang linggong isinailalim sa surveillance operation ang sex den bago sumalakay ang NBI.

Nasa kustodiya na ng NBI ang mga suspek na sina Evelyn Tanega at James Mercado na kapwa nagbubugaw ng mga menor-deedad.