Magsisimula na sa Enero 24 ang  Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2015 na hatid ng  Alaska sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang coaches clinic  sa British School Manila sa Taguig City.

Nasa ikawalong taon na nito sa Pilipinas, ang  Jr. NBA program ay inaasahang aabot sa may 700  mga paaralan at mga komunidad sa buong bansa.

Sa katunayan, mayroon nang mahigit sa 26,000 mga kabataang manlalaro at 2,000 coaches  ang nakalahok sa programa magmula nang ilunsad ito noong 2007.

Binubuo ang programa ng apat na stages na kinabibilangan ng Jr. NBA Touring Clinics for coaches and players na magaganap  ng Enero hanggang Pebrero, ang  Regional Selection Camps na sisimulan sa Pebrero at magtatapos sa Abril, ang   National Training Camp sa huling bahagi ng  Abril at ang  NBA Experience  sa huling bahagi ng taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatapos ang Jr. NBA/Jr. WNBA National Training Camp sa pamamagitan ng pagpili ng 10 Jr. NBA at 5  Jr. WNBA All-Stars  na mabibigyan ng pagkakataon na makaranas ng kakaibang overseas NBA experience kasama ng iba pang Jr. NBA All-Stars na mula sa Southeast Asia.

Uumpisahan din ang paghahanap sa 2015 Jr. NBA at Jr. WNBA Coach of the Year sa Enero 24 sa Manila sa pangunguna ni Jr. NBA/Jr. WNBA head coach Chris Sumner katulong ang coaches mula sa Alaska Power Camp.

Pipili sila ng sampung  finalists na makakasama sa National Training Camp  sa ilalim ng Jr. NBA Coaches para mas mahasa pa ang kanilang coaching skills.

Ihahayag ang mahihirang na Coach of the Year sa  pagtatapos ng  National Training Camp na dadaluhan naman ng mga inimbitahang  mga NBA at WNBA player o Legend  na mangunguna sa isasagawanag  NBA Cares community outreach activities.