AMININ natin, naikintal na sa ating isip mula pa noong mga bata pa tayo na kailangang maunahan natin ang ating kapwa sa lahat ng bagay; kailangang manguna tayo sa klase, mauna sa pila, maunang humablot sa pinakamagandang bestida sa department store, makuha agad ang puwestong malapit sa pagkain kung may kasalan o piyesta. Ganyan ako. Ganyan ka rin… aminin!

Ngunit may isa pang pamantayan na gumigiit ng kahalagahan ng komunidad, humihingi ng pakikisama at pagtulong. Sa ganitong pananaw, ang pagtulong sa kapwa at paglalaan ng ating panahon upang dumamay ay mga susi tungo sa tagumpay at kasiyahan.

Sabi nga ni Ninoy: “A Filipino is Worth Dying For.” Ang idea na ito ay maaari naring tawaging pagdadagdag ng halaga. Bakit kailangan tingnan natin ang mga bagay bilang mahalaga?

Kapag nagdagdag ka ng halaga, ang kabuuan ng iyong nagawa ay mas malaki kaysa mga bagay o mga bahagi na iyong ginamit upang mabuo ang iyong ginagawa. Di tulad ng pananaw na “Ako ang dapat makakuha nang maraming pandesal”, ang pagdadagdag ng halaga ay nangangahulugan ng nakatutulong ka sa iyong kapwa, pinararami mo ang pandesal kung kaya nakapagbibigay ka sa lahat. Dahil dito, gumagaan ang pamumuhay ng lahat. Kapag tumulong ka sa iyong kapwa, nadadagdagan mo ng halaga ang kanilang buhay. Kung guro ka man na tumutulong sa isang estudyante upang makapasa sa pagsusulit, o isang manunulat na sumusulat ng aklat na nakatutulong sa libu-libong katao, ginagawa mong mas mainam ang daigdig.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

At kapag mainam ang daigdig, ito ang sukli ng iyong pagsisikap – ang ibinigay mong tulong. Ngunit kapag nagsikap kang magdagdag ng halaga nang hindi umaasang may magbibigay sa iyo ng gantimpala, bubuhos nga sa yo ang pakinabang ng iyong pagsisikap. Ang buhay nga ay talagang nakapagtatataka. Ang pamumuhay nang may integridad at kahalagahan ay ang tanging paraan upang matamo ang personal na kaligayahan.

Sundan bukas.