Papadyak na ang 2015 ASEAN Cup Mountain Bike Series sa linggong ito kung saan ang Danao City, kinukonsiderang bilang MTB capital ng Pilipinas, ang tatayong punong-abala ‘di lamang sa top riders sa bansa kundi ang maging ang mga pinakamahuhusay sa region, ang China at Hong Kong, sa kanilang International Cycling Union (UCI)-standard crosscountry at downhill courses.

Inorganisa ni UCI MTB International Commissaire Oscar “Boying” Rodriguez, siya ring Technical Commission head ng PhilCycling, ang event ay hahataw sa 4.2-kilometer crosscountry course at 2-km downhill course kung saan ang riders ay babaybay mula sa 284-meter high ramp.

Mamumuno sa kampanya ng Pilipinas sa Elite category ay ang national team members na sina Eleazar Barba (downhill), Jigo Mendoza (crosscountry), John Mier (crosscountry), Ariana Dormitorio (crosscountry-women), Avigail Rumbao (crosscountry-women) at dating nationals na sina Eboy Quiñones, Alvin Benosa at Niño Surban.

Posibleng naisakatuparan ang karera sa tulong na rin ni Danao City Mayor Ramonito Durano III, Vice Mayor Red Durano at Councilor Jed Almendras kasama si Cebu 5th District Rep. Ace Durano, Governor Junjun Davide, Vice Governor Agnes Magpale at Board Members Migs Magpale, Jude Sybico, at Ivy Durano-Meca na magbibigay ng kanilang todong suporta.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Ang 10-member team na mula sa Hong Kong ang makikita sa aksiyon sa karera. Bagamat ang Hong Kong ay hindi ASEAN members, ang kanilang mga siklista ay sasanib sa Elite category upang makakuha ng UCI points.

Ipadadala ng China at Malaysia ang kanilang juniors crosscountry riders na makikipagsabayan sa local rider na si Jake Aldrin Rivera, fifth-placer sa nakaraang taong Asian MTB Junior Championships sa Lubuk Linggao, Indonesia.

Inaasahang si 2014 Asian MTB Championships bronze medalit Jerich Farr ng Pilipinas ng matinding kampanya mula sa Singaporean, Malaysian at Indonesian cyclists sa event na iprinisinta ng Air21, Greenhills Farms, Aduna, AppleOne Banawa Heights, Specialized at Rudy Project.

Sina PhilCycling chairman Bert Lina at president Abraham “Bambol” Tolentino, Congressman ng Tagaytay City, at federation’s directors, ang magpapasinaya sa event.

Matapos ang Danao City leg, ang ASEAN MTB Cup ay magtutungo naman sa Indonesia sa Abril para sa second leg, Kota Kinabalu sa Malaysia para sa third leg at Timor Leste sa Oktubre para sa final leg.