Yeng-Constantino-copy

IKAKASAL na si Yeng Constantino sa February 14. Sa kanyang bridal shower kamakailan, ipinaliwanag ng singer/composer kung bakit walang taga-showbiz na kasama sa kanyang wedding entourage.

“Kasi mas nag-i-spend kami ng time with them. Kasi sa ASAP, hindi naman talaga kami nagkikita-kita. Every Sunday lang. ‘Tapos mas nakaka-build talaga ako ng relationship with my non-showbiz friends. Like, ang Monday ko, after ASAP, church sa Monday, magdi-dinner kami, manonood ng sine as in nabubuo  talaga ‘yung relationship.

“And alam mo ‘yung sobrang special talaga nu’ng mga friends ko na non-showbiz na gustung-gusto ko talaga silang  nandodo’n at ma-enjoy naman nila ‘yung moment  na nakita nila ako mag-grow as a person,” sabi ni Yeng.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang non-showbiz friends niya ang naging saksi sa mga pinagdaan nila ng kanyang boyfriend na si Yan Asuncion.

“Nakita nila ‘yung pinagdaanan ko, ‘yung iyak-iyak ko, nakita din nila ‘yung masaya ako at nakita nila ‘yung changes sa life ko no’ng dumating si Yan.”

Ang kanilang purpose sabi pa niya ay upang maibahagi sa kanilang true friends ang true meaning ng araw na iyon sa kanilang buhay ni Yan.

Ayaw daw kasi ni Yen ‘yung kukuha ng maraming showbiz entourage para lang maipakita sa mga tao na, “Look at my entourage, punumpuno ng celebrity, ampangit naman nu’n! Hindi ganu’n, eh, it has to be sincere. These are the people  who watched me grow. I love my ASAP family, ang gusto ko lang talaga na level ng relationship dapat ‘yung inner circle muna, it’s not to show off. It’s not who I am, I don’t want to do that,”  sabi pa ni Yeng. 

Pagkatapos ng kasal, ibibigay ba niya muna ang kanyang panahon sa asawa para mapagsimula ng kanilang sariling pamilya?

“Wala po akong plano na mag-lay low sa aking career as a musician dahil ito po talaga ang gusto kong ginagawa. Kaya sa mga tagasuporta ko po na iniisip nila na baka mawala na si Ate Yeng or si Yeng hindi na kakanta, naku, hindi po ‘yun mangyayari kasi ito po talaga ang passion ko, ang music at mahal ko po talaga ang mga sumusuporta sa akin. Ito nga ang sinasabi ko, hangga’t mahal nila ako at hangga’t gusto nila na gumawa ako ng music, I will just be here, kahit na may baby na ako. Malay n’yo gumawa na ako ng album na Sesame Street, hindi natin alam, eh. Masyado akong free-spirited na artist, eh, so we’ll see.”

Hindi rin daw masama kung mangarap ng international career ang katulad niyang singer, kaya kung may chance ay susubukan niyang makipagsapalaran.

“Sana dumating po, kung dumating ay dumating. Ako po ay open kung ano ang ibabato sa akin ng Panginoon. Kung dumating po ‘yun ye’y, kung ito na po ;yung life ko I am really happy kung ano ang meron sa life ko ngayon,” sey niya. 

Naiiba si Yeng sa showbiz personalities na isinasantabi muna ang pagkakaroon ng sariling pamilya  dahil mas priority ang kanilang career.

“Hindi ko po naiisip na magiging hadlang naman ‘yung relationship ko sa mga bagay na maaring dumating. Hindi ko po nakikita ‘yung relationship ko as parang hassle, I see it as a blessing. Simula po nu’ng dumating si Yan sobrang mas marami pa pong biyaya ang dumating sa life ko sa totoo lang. Hindi ko po akalain. Parang nag-ten times ‘yung biyaya sa life ko and that is how I see it and ‘yung parang faith ko right now na habang tumatagal, we will just be more blessed. Ayaw ko na tingnan na ganun kasi maha-hassle ka lang, magiging negative lang ‘yung feeling mo, kapag napunta ‘yung negative sa emotions mo magiging negative na rin ‘yung mangyayari sa life mo,” pagtatapos ni Yeng.