BUENOS AIRES, Argentina (AP) — Sinabi ng gobyerno ng Argentina noong Lunes na ang prosecutor na nag-akusa kay President Cristina Fernandez ng pagkupkop sa mga Iranian na suspek sa pinakamadugong terror attack ay namatay sa self-inflicted gunshot wound sa loob ng kanyang nakakandadong apartment, isang deklarasyon na nagbunga ng mga katanungan.

Si Alberto Nisman, nag-iimbestiga sa 1994 bombing ng AMIA Jewish community center sa Buenos Aires na ikinamatay ng 85 katao, ay natagpuang patay sa palikuran ng kanyang apartment noong Linggo ng gabi, ilang oras bago siya nakatakdang tumestigo sa Congressional hearing tungkol sa kaso.

Sinabi ni investigating prosecutor Viviana Fein na natuklasan sa preliminary autopsy na walang “intervention” ng iba sa pagkamatay ni Nisman. Gayunman, sinabi ni Fein na hindi niya isinasantabi ang posibilidad na si Nisman ay pinuwersa para magpakamatay, idinagdag na ang baril ay hindi sa kanya.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS