Nakasentro sa kabataan ang Ronda Pilipinas 2015, ang pinakamalaking cycling race sa bansa at sa buong Asia na inihahatid ng LBC at nakatakdang sumikad sa Pebrero 8 hanggang 27 mula sa Butuan City at magtatapos sa Baguio City.

Magdaraos ng kanilang ikalimang edisyon ngayong taon, mag-iiba ngayon ng format ang karera kumpara sa nakagawian na hinahayaan ang bawat koponan na bumuo ng kanilang line-up kung saan magsisimula ang karera sa pamamagitan ng pagbubukas nito sa lahat ng mga kuwalipikadong riders sa pagdaraos ng mga qualifying races sa Mindanao, Visayas at Luzon.

Gaganapin ang Mindanao qualifying sa Pebrero 8-9 sa Butuan City, Cagayan de Oro, Tubod, Lanao del Norte at Dipolog,kasunod ang Visayas qualifying leg sa Pebrero 11 - 12 sa Dumaguete, Sipalay at Bacolod at pinakahuli ang Luzon elimination sa Pebrero 15 at 16 sa Antipolo City at Tarlac.

May 100 riders ang kukunin mula sa tatlong qualifying races na siyang maglalaban-laban sa Championship round na idaraos sa Luzon kung saan nila makakasama ang mga seeded na sina defending champion Reimon Lapaza ng Butuan City, Asian Cycling Championship-bound national cycling team na pinangungunahan nina Mark Galedo at Ronald Oranza at ng 9-man composite European team na binubuo karamihan ng mga Danish cyclists para paglabanan ang pangunang premyong P1 milyon.

National

Amihan, shear line, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Maliban sa bagong format, itutuon din ng Ronda Pilipinas ang kanilang pansin sa pagtuklas ng kabataang riders habang binibigyan sila ng tsansanag makipagsabayan sa mga pinakamagagaling na siklista ng bansa.

Dahil dito ay hinihikayat nila ang mga riders na may edad 17 hanggang 18 na sumali sa qualifying races.

Inihahatid ng LBC katulong ang MVP Sports Foundation sa pagsuporta ng Maynilad, NLEX, Standard Insurance at Radio1 Solutions sa ilalim ng sanction ng Philcycling, magsisimula ang karera sa pamamagitan ng Mindanao leg na mayroon dalawang stages na binubuo ng Butuan-Cagayan de Oro Stage One at ng Tubod-Dipolog Stage Two.

Magpapatuloy ito sa pagdaraos ng Visayas qualifiers na kinabibilangan ng Dumaguete-Sipalay Stage One at Bacolod-Bacolod Stage Two bago gumawi sa Luzon para sa huling dalawang stags ng qualifiers na idaraos sa Antipolo at Tarlac.

Isusunod naman ang Championship rou na kinabibilangana ng Laguna Stage One criterium,Calamba-Lucena Stage Two, Lucena-Antipolo Stage Three, Bulacan-Tarlac Stage Four, Tarlac-Dagupan Stage Five, Dagupan-Baguio Stage Six,Sto Tomas Hill Stage Seven Indiividual time trial at ang Baguio Stage Eight criterium bilang finale.

Lahat ng mga interesadong lumahok ay maaaring magparehistro at makakuha ng kanilang form online sa Ronda Pilipinas’ official pagebook page, https://www.facebook.com/RondaPilipinas, o kaya`y magpatala, 2 oras bago ang quualifyiong races kung saan may entry fee na tig-P1,000 bawat entry kada stage.