MELBOURNE, Australia (AP)– Tinalo ng two-time Grand Slam champion na si Andy Murray ang Indian qualifier na si Yuki Bhambri, 6-3, 6-4, 7-6 (3), kahapon upang umpisahan ang kanyang kampanya na sungkitin ang mailap na titulo sa Australian Open.

Hangad ng karera na mNaglaro sa bagong bihis na Margaret Court Arena, naghabol si Murray sa 4-1 sa ikatlong set bago nakabalik upang itabla ang set at pagkatapos ay dominahin si Bhambri, ang 2009 Australian Open junior champion, sa tiebreaker.

Si Murray ay tatlong beses nang nakaabot sa final ng Australian Open, natalo kay Roger Federer noong 2010 at kay Novak Djokovic noong 2011 at 2013.

Sa pagitan ng kanyang mga pagkabigo kay Djokovic, napanalunan ni Murray ang kanyang unang major sa 2012 U.S. Open at sinundan niya ito sa pagsungkit sa ikalawang Grand Slam singles title sa Wimbledon noong 2013.

Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!