JERUSALEM (AP) — Tumanggap ng parangal si Michael Douglas mula sa Israel at ito ay ang $1 million Genesis Prize award o mas kilala sa tawag na “Jewish Nobel Prize,” para sa kanyang pagsisikap na mapalaganap ang Jewish culture.

Ayon sa Genesis Prize Foundation, si Prime Minister Benjamin Netanyahu ang maggagawad ng parangal sa seremonya na gaganapin sa Jerusalem ngayong summer para sa “actor, producer and peace activist.”

Pinasinayaan ang parangal noong nakaraang taon sa pagtutulungan ng Israeli prime minister’s office ng Genesis Philanthropy Group at ng chairman’s office of the Jewish Agency, isang nonprofit group na mayroong magandang ugnayan sa pamahalaan ng Israel.

Ito ay ipinagkakaloob sa mga indibidwal na nagpupursige na mapalaganap ang kaugaliang Jewish.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Ayon sa chairman ng Genesis na si Stan Polovets na inilabas noong Miyerkules, si Douglas ay pinarangalan  “both for his professional achievements and for his passion for his Jewish heritage and the Jewish state.”

Siya at ang kanyang ama na si Kirk Douglas ay Jewish, buong pusong niyakap ang Jewish ancestry at sinuportahan ito. Nilakbay din niya ang Israel noong nakaraang taon kasama ang kanyang asawa na si Catherine Zeta-Jones upang ipagdiwang ang bar mitzvah ng kanilang anak na si Dylan. Binigyang-puri ng foundation ang pamilya dahil sa kanilang “inclusive approach for Jews of diverse backgrounds.”

Sa isang panayam, pinuri ang pamilya ng 70 taong gulang na Oscar-winnning actor para sa paghimok na pagtibayin ang pananampalatayang Jewish. “I hope these teachings and values will be part of the legacy in the world that I leave for my children and those who follow,” aniya.

Unang tumanggap ng nasabing parangal ang dating New York Mayor na si Michael Bloomberg noong nakaraang taon. At ang late night comedy legend na si Jay Leno ang naggawad ng parangal kay Bloomberg, na kinilala para sa kanyang serbisyo sa publiko at pagiging mapagbigay sa mga nangangailangan.