CHARLOTTE, N.C. (AP)- Inasinta ni Gerald Henderson ang 20 puntos upang tulungan ang Charlotte Hornets sa panalo kontra sa Indiana Pacers, 80-71, via overtime kahapon.

Naglaro ang Hornets na wala sa kanilang hanay ang kanilang top two scorers.

Na-outscored ng Hornets ang Pacers, 12-3, sa karagdagang oras upang ibigay sa Indiana ang kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo.

Wala sa kanilang hanay sina injured Kemba Walker at Al Jefferson.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Umiskor si Lance Stephenson ng 13 puntos sa 21 minutong paglalaro kung saan ay nanatili ito na may magandang bahagi na tila ngumuya lamang laban sa kanyang dating Indiana teammates, partikular si Roy Hibbert.

Mas naging mainit ang huling bahagi ng ikatlong yugto nang ibaba ni Stephenson ang kanyang balikat at saka binangga ang 7-foot-2, 275-pound na si Hibbert na bumagsak naman sa sahig.

Nangyari ang insidente nang harangin ni Hibbert ang drive ni Stephenson. Nakaposisyon ang mga opisyal sa kabilang bahagi ng korte at ‘di nabatid kung ano ang nangyari.

Nagposte si David West ng 19 puntos para sa Pacers, taglay ang 1-of-9 mula sa field sa overtime. Sinunggaban ni Michael Kidd-Gilchrist ang 16 rebounds para sa Charlotte habang nagtarak si Bismack Biyombo ng 14.

Ipinakita ng Hornets ang lakas sa overtime.

Nasa tamang posisyon si Henderson kung saan ay nakaiskor ito mula sa isang fast break at nakakuha pa ng foul para sa 3-point play.

Nagdagdag ito ng isa pang free throw kung saan ay natapik ni Biyombo ang bola mula sa mintis nito na nagbigay sa Charlotte ng six-point lead. Ikinasa ni Marvin Williams ang dalawang jump shots upang itulak ang kalamangan sa 78-68 bago nakapagtala ng basket si C.J. Watson sa Indiana, may 35 segundo pa sa orasan.

Pinagpahinga ni coach Steve Clifford si Stephenson sa laro sa nalalabing 6:34 sa laro kung saan ay napag-iwanan ang Hornets sa 61-55, bagamat siya ang namuno sa koponan pagdating sa scoring na kaakibat ang 13 puntos.

Habang nakaluhod ang isang tuhod ni Stephenson sa bench at ginagabayan ang kanyang koponan, dito na umatake ang Hornets upang muling ibalik ang kalamangan, 68-66, nang si Williams ay nagsalansan ng 3-pointer mula sa ‘top of the key’ sa nalalabing 51 segundo pa sa regulation.

Naisakatuparan ni Rodney Stuckey ang dalawang free throws upang itabla ang laro sa natitirang 13.1 segundo sa korte.

Nagkaroon ang Hornets ng tsansa na magwagi sa pagtatapos ng final period sa regulation subalit nagmintis si Henderson sa open 20-footer mula sa kanang bahagi ng korte matapos na solidon siyang bantayan ni Cody Zeller.

May average si Henderson na 29.8 puntos kada laro sa loob ng huling anim na laban ng Hornets, subalit kailangang limitahan ang laro nito dahil sa cyst sa kanyang kaliwang tuhod.

Gumaralgal ang Hornets sa kanilang itinakdang opensiba na wala si Henderson kung saan ay nakapagposte lamang ang koponan ng 30.7 percent mula sa field.

Subalit napagtagumpayan ng Charlotte (16-25) ang anim sa kanilang huling pitong mga laro bagamat wala pa rin sa koponan si Jefferson, naimintis ang walong mga laro sanhi ng tinamong groin injury at inaasahang papagpahingahin itong ng ilang linggo.

TIP-INS

Pacers: Kinubra ni Roy Hibbert ang 12 puntos at 14 rebounds para sa kanyang ika-100 double-double sa kanyang karera. ... Nakaiskor si West ng double figures sa walong sunod na mga laro at 18 sa huling 20.

Hornets: Sinabi ni Clifford na ang knee injury ni Walker ay isang kakaibang senaryo. ‘’It is one of those things (where) it’s the ultimate day-to-day,’’ pahayag ni Clifford. ‘’It’s something that he’d had for a while. From what I understand, he can come in (Sunday) and be fine or it could be longer. I don’t think there is any real way to determine that.’’