NAISIP ng aking mabait na esposo na gumawa ng hawla na lalagyan niya ng lovebirds upang lalong gumanda ang maliit kong hardin sa gilid ng aming apartment. Hiningi niya ang aking pahintulot kung maaaring magdagdag ng ganoong feature sa aming bahay. Hindi ko talaga matiis ang nakakulong na hayop, maliban na lamang kung mabangis ito. At kung araw-araw kong makikitang nakakulong ang mga ibon, lalo lamang akong madedepress. Minsan kasi, nang magawi ako sa isang tindahan ng mga ibon sa Pasay City, nakahahalina nga ang makukulay at naghuhunihang lovebirds.

Hindi ko talaga matiis ang kahirapan na tinataglay ng kanilang kalooban araw-araw, mga pagpak na nakatiklop na lamang sa kanilang katawan na parang mga lumang balabal. At sa kanilang huni, maaaring matamis sa ating pandinig ngunit mga awit pala iyon ng pagdadalamhati sapagkat nakakulong sila sa mga hawlang kanila nang tahanan habambuhay. Nilikha sila ng Diyos na may pakpak, ibig sabihin, dapat silang lumipad nang mataas, ang maglaro sa mga ulap, ang magsayaw sa hangin, hindi ang umawit ng kalungkutan sa loob ng kanilang mga hawla. Ang ibon ay nilikha upang lumipad. Lalo kong minahal ang aking esposo nang igalang niya ang aking pasyang huwag nang magkaroon ng hawla sa aking maliit na hardin.

Maraming tao na nagpapahayag na sila’y maka-Diyos ay parang mga ibong nasa hawla. Nilikha sila upang mamuhay nang malaya bilang mga mamamayan ng Langit, ngunit nakakulong sila dahil sa kasalanan. Ikinalulungkot marahil ng Diyos ang kanilang kalagayan. Alam ng Diyos ang magagandang mangyayari sa kanila sa buhay ngunit mas pinili nilang makulong. Ang kakaiba lamang dito, laging bukas ang pintuan ng kanilang kulungan.

Ayon sa Mabuting Aklat, sinabi ni San Pablo Apostol na tayong nagtitiwala kay Jesus ay nabubuhay na kasama Niya. Dahil pinili natin si Jesus bilang ating Tagapagligtas, wala na ang dati nating sarili. Kaya kailangang huwag na nating harapin ang buhay sa paraan ng pagharap natin noong hindi tayo nakakikila ng Diyos.

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

Lagi nating paalalahanan ang ating sarili sa katotohanang iyon. Sa pamamagitan ni Jesus, tayo ay lumaya. Hindi ka kailanman para sa kulungan. Ipahayag mo sa Diyos ang iyong mga kasalanan at magtiwala ka sa Kanya. Nilikha ka upang lumipad!