LEGAZPI CITY, Albay – Aabot sa 30 katao ang naiulat na nawawala sa pagguho ng lupa dulot ng bagyong ‘Amang’ sa Sitio Inang Maharang sa Barangay Nagotgot, Manito, Albay, kahapon ng umaga.

Iniulat ni Municipal Councilor Arly Guiriba na dalawang bahay ang natabunan ng lupa bunsod ng walang humpay na pag-ulan sa lugar.

Ayon sa opisyal, 20 katao ang pinaniniwalaang nasa loob ng naguhuang bahay ni Edna Azueta, habang 10 iba pa ang nasa bahay ni Edison Dawat nang mangyari ang landslide dakong 9:00 ng umaga. Nahirapan ang rescue team na makalapit sa lugar ng insidente dahil sa kapal ng putik sa kalsada.

“Bineberipika pa na namin ang bilang ng mga casualty dahil mahirap makarating sa lugar. Nanggaling ang impormasyon sa mga residente ng Inang Maharang,” pahayag ni Guiriba.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

Dahil sa zero visibility, hindi rin makalipad ang mga helicopter ng Philippine Air Force upang magsagawa ng search and rescue operation, ayon kay Office of Civil Defense-Bicol Regional Director Raffy Alejandro.

Ang Barangay Nagotgot ay may layong 12 kilometro mula sa poblacion ng Manito habang ang Manito ay 65 kilometro ang layo sa Legazpi City. - Niño N. Luces