Sa kanyang unang opisyal na tungkulin bilang bumibistang pinuno ng estado, inilahad ni Pope Francis ang kanyang mga inaasam para sa sambayanang Pilipino – at, sa paraan ng implikasyon, ang kanyang mga inaasam na maaaring gawin ng pamahalaan ng Pilipinas upang matugunan ang mga pag-asam na ito – nang magtalumpati siya sa Malacañang noong Biyernes.

Binigyan niya ng diin, una, ang pangangailangang wakasan ang hindi pagkakapantay- pantay sa lipunan at gawing prioridad ang pag-aangat ng pamumuhay ng maralita. Totoo ngang taglay natin ang isa sa pinakamataas na Gross Domestic Product (GDP) growth rates sa daigdig, ngunit ipinakikita sa mga survey kamakailan, na maraming pamilyang Pilipino ang nagtuturing mahirap sila, lalo na sa pagkain.

Nanawagan siya sa mga Pilipino “at all levels of society, to reject every form of corruption”. Hindi ito isang motherhood statement sa bansang ito na niyanig noong nakaraang taon ng mga exposé na nagpakita ng bilyun-bilyong pisong pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dapat nakalaan sa mga pampublikong proyekto na napunta lamang sa mga pribadong bulsa.

Isinulong niya ang pagsuporta at proteksiyon sa pamilya, respeto para sa dangal ng bawat tao, at respeto para sa karapatang mabuhay, “beginning with that of the unborn”. Ang Reproductive Health Law, na nagkakaloob ng mga pamamaraan na limitahan ang laki ng pamilya at ang pambansang populasyon, na matagal nang naging paksa ng hidwaan ng Simbahan at ng gobyerno.

Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!

Binanggit niya ang progreso ng “bringing peace to the south of the country” sa Mindanao, nagpahayag ng pag-asa na mauuwi iyon sa makatarungang solusyon, “in accord with the nation’s founding principles” at “respectful of the inalienable rights of all, including indigenous peoples and religious minorities.” Tatanggapin ito ng pinakamalaking minority group ng bansa, ang mga Muslim sa timog, na umaasang magkakaroon sila ng Bangsamoro entity. Ngunit nakita rin ng Papa ang pangangailangan na banggitin din ang mga prinsipyo ng bansa na nakatadhana sa Konstitusyon.

Karamihan sa mga salitang ito ay para sa gobyerno at mga opisyal nito at ang Papa, bilang isang pinuno ng estado, nilahad ito sa Malacañang. Mula roon, nagtungo siya sa Manila Cathedral kung saan nakipagkita siya sa mga leader at mga pangunahing layko ng Simbahang Katoliko. Sa hapon nakipagkita siya sa mga pamilya sa Mall of Asia (MOA). Kinabukasan, Sabado, nagtungo siya sa Leyte kung saan nagmisa siya kasama ang mga survivor ng super-typhoon Yolanda.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang, sinabi ng Papa na ang kanyang pagbisita rito, higit sa lahat, ay pastoral. Ang pakikipagkita niya sa karaniwang mamamayan at mga pari sa Manila Cathedral, at sa University of Santo Tomas, sa MOA, sa Leyte, at sa misa sa Rizal Park ngayong hapon ay mga panguhahing bahagi ng kanyang pastoral visit. Ngunit ang kanyang mga salita sa seremonya Malacañang ay waring nakatuon sa gobyerno at sa mga opisyal nito. Magiging mas mainam kung pakikinggan nila ang mga salitang iyon.