Enero 17, 1929 nang ipakilala sa publiko si Popeye the Sailor-Man, na nilikha ni Elzie Segar, sa comic strip na Thimble Theatre. Ang unang salitang binigkas ni Popeye ay “Ja think I’m a cowboy!” Kilala siya sa pagkain ng spinach upang talunin ang kaaway niyang si Bluto.

Kabilang sa mga orihinal na karakter na kasama ni Popeye ay sina Olive Oyl, Ham Gravy, Castor Oyl at Cole at Nana Oyl. Kalaunan ay sumikat si Popeye at naging pinakasikat sa nasabing comic strip. Ang kanyang mga pamangkin ay sina Peepeye, Poopeye, Pipeye at Pupeye.

Taong 1933 nang una siyang napanood sa sinehan, sa Betty Boop cartoon na pinamagatang “Popeye the Sailor” na produced ng Fleischer Studios. Noong 1937, isang estatwa ang inihandog para kina Popeye at E.C. Segar upang magbigay-halimbawa sa wastong pagkain.

Si Popeye ay 34 taong gulang, may taas na 5’6” at tumitimbang ng 158 pounds.
National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’