KARAMIHAN sa New Year’s resolution ay tungkol sa pagkain nang balanse o gagawing hakbang sa ikabubuti ng propesyon. At ang pinag-uugatan nito? Ang pagnanais na makamtan ang kasiyahan at bilib sa sarili. Narito ang ilan sa mga app na makatutulong upang makamit ang kasiyahan.

1. Happify, free (basic version) Ang Happify ay gumagamit ng “science of happiness” para maghatid ng “research-backed-happiness-promoting vibes” sa mga kamay (o desktop). Mag-uumpisa ito sa pagtukoy ng personal goals, at magbibigay ng daily activities upang makuha ang goal. Ilang minuto lang ang kailangan sa isang araw. Masasaya ang pagsubok, tulad ng “Today’s Grateful Moment” at mga larong tutulong para maiwasan ang pagiging negatibo, matutuhan kung paano haharapin ang mahihirap na sitwasyon at ma-inspire para mapaunlad ang sarili. May score sa bawat level ng laro at malalaman din kung may improvement ba sa iyong sarili (at kaunting kumpetisyon laban sa iba pang app users). Handa ka na bang alisin ang iyong bad habits? Check. Pagtuunan ng pansin ang sarili? Check. Gawing best year ang 2015? Check.

2. Talkspace Ika-21 siglo nang nadiskubre ang therapy. Sa pamamagitan ng Unlimited Messaging Therapy sa Talkspace, maaaring i-text ang iyong therapist hanggang gusto mo, napapanatili nitong confidential ang pag-uusap. Tamang-tama ito para sa mga tao na laging busy o sa mga gustong manatiling pribado. Madali lang umpisahan ito:

Sa sign up, agad kang bibigyan ng free consultation ng therapist na babagay sa iyong pangangailangan. Sa isang pribadong chat room, maaaring padalhan ng kahit ilang mensahe ang iyong therapist. May access ka rin sa public therapy forums na may 70,000+ partisipante o mag-schedule ng video therapy session (halagang $29 sa loob ng 30 minuto).

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

3. BandsInTown, free Maaari mong malaman kung malapit sa lugar mo ang paborito mong singer o kung nasaan man siya sa pamamagitan ng killer discovery app na ito. May kakayahan itong ma-scan ang device ng lahat ng paborito mong artista at makikita na ang buong listahan ng kanilang shows na malapit sa iyong lugar. Magmumungkahi rin ito ng artists na posible mong magustuhan at mabibili ang tickets sa isang click lang. Bye bye #FrontRowLukeBryan pics sa Instagram.

4. 1 Second Everyday, $0.99 Sa loob ng limang taon, may MME o “Most Memorable Experience” diary na maaaring sulatan ng highlight ng bawat araw ng isang indibidwal. Ginagawa ito ng iba na diary for commitment-phobes, itinuturing na paraan upang ma-capture ang mga pangyayari na maaaring balikan pagdating ng araw. Sa 1 Second Everyday, maaari mo itong magawa gamit ang iyong phone at puwede kang gumawa ng diary sa isang segundong video araw-araw. May 365-second montage ka na sa isang buong taon na maaari mong balik-balikan.

5. TaskRabbit, free Kailan ka huling nag-ayos ng mga gamit sa bahay o nag-post ng iyong bag collection sa eBay? Nakagawa ka na ba ng listahan ng mga dapat mong gawin? Hindi pa siguro. Nandito na ang TaskRabbit para tulungan kang magkaroon ng platform na rito ay puwede kang kumonekta sa pre-vetted taskers na gagawa sa sirang ilaw sa iyong banyo. Walang bayad ang proseso, pero kapag natapos na ang gawain ay awtomatikong mababawas sa iyong bank account ang napag-usapang bayad.

6. Happn, free ‘Yung may nakatitigan ka na pogi habang papunta ka sa trabaho at alam mong hindi mo na makikita ulit. Huwag kang mag-alala!Puwedeng-puwede nang muling magtagpo ang inyong mga landas, sa only-in-a-movie style ay mahahanap mo na ang mga taong nakakasalubong mo lang noon. Sa app na ito ay malalaman din kung ilang beses na kayong nagtagpo at kung saan-saang lugar. Kung pareho kayo ng nararamdaman, ang app din ang mismong magsasabi sa iyo, para makapag-set ng pagkikita sa coffee shop na kasalukuyang kinakainan mo.

7. Calm Down Now, $1.99 Kung naiinip ka, hindi makatulog o gusto mo lang talagang magmuni-muni, ang soothing app ay para sa iyo. Sundin lang ang mga nakalagay na relaxations at strategies para manatiling kalmado sa oras ng pagpa-panic.- Yahoo News/Health