MELBOURNE, Australia (AP) – Hindi nakakuha ng seeding ang two-time champion na si Victoria Azarenka para sa Australian Open matapos malaglag sa ranking sa unang linggo ng 2015. Ang No. 1 na si Serena Williams at No. 2 na si Maria Sharapova ay mapupunta sa magkasalungat na dulo ng draw, base sa kanilang world rankings na pinagkunan ng seedings para sa unang major ng taon.

Ang dating No. 1-ranked na si Azarenka, napanalunan ang Australian Open noong 2012 at 2013 at nakaabot sa dalawang Grand Slam quarterfinals noong 2014, ay nalaglag mula sa No. 32 year-end ranking sa No. 41 ngayong linggo. Ang mga organizer ng torneo ang nagdedetermina sa 32 seeded players sa kanilang men’s and women’s draw, ngunit bihirang lumihis sa opisyal na WTA o ATP rankings sa pag-iipon ng listahan.

Mga pinsala sa paa at tuhod ang naglimita kay Azarenka sa siyam na torneo noong 2014, at nagtapos siya sa labas ng top 10 sa unang pagkakataon mula noong 2008.

Ang kanyang first round loss noong nakaraang taon sa Brisbane International kay Karolina Pliskova, matapos ilaglag ang dalawang match points sa second set, ang nagpakawala sa kanya ng tsansang makaakyat pabalik sa top 32 sa huling rankings.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Nagretiro na si Li Na ng China at hindi na maidedepensa ang kanyang Australian title. Si Dominika Cibulkova, ang losing finalist noong nakaraang taon sa Melbourne Park, ay seeded No. 11. Si Genie Bouchard, ang 20-anyos na Canadian na umabot sa semifinals ng Australian at French Opens noong nakaraang taon bago lumaban sa Wimbledon final, ay seeded No. 7.

Sa men’s side, ang Nos. 1-3 na sina Novak Djokovic, Roger Federer at Rafael Nadal ay seeded lahat sa unahan ng defending men’s champion na si Stan Wawrinka, na seeded No. 4. Ang U.S. Open finalist na si Kei Nishikori ng Japan ay seeded fifth, isang puwesto sa unahan ni three-time Australian Open finalist Andy Murray.