Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Alaska vs. San Miguel Beer

Mapalapit sa inaasam na titulo ang tatangkain ngayon ng Alaska habang ang paghahabol pa rin ang target ng San Miguel Beer upang maitabla ang serye sa Game Four ng kanilang best-of-seven finals series ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ganap na alas-7:00 ng gabi magtutuos ang dalawang koponan para ituloy ang duwelo nila sa pagaagawan ng first conference title ng PBA 40th season.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Umaasa ang Beermen na makabalik na gaya nang ginawa nila sa Game Two makaraang maunahan ang Aces sa serye at maibaba ang duwelo sa best-ofthree.

Sisikapin na mabigyan ng solusyon ng Beermen ang kanilang problema para malusutan kung hindi man ay tuluyang matibag ang matinding depensa ng Aces, partikular sa gitna kung saan hindi makalusot ang kanilang mga pasa sa pambato nilang slotman na si Junemar Fajardo.

Mismong ang reigning MVP at leading Best Player of the Conference candidate ay umaasang magagawan nila ito ng kaukulang adjustment.

"Hindi ko rin nga malaman kung bakit' di makarating 'yung mga entry pass. Talaga lang sigurong matindi 'yung depensa ng Alaska, pero magagawan naman iyon ng adjustment," ani Fajardo.

Bukod dito, nakita rin ng Cebuano center ang kanilang pagkakamali na sabayan ang mabilis na laro ng Aces.

"Nakipagsabayan kami sa kanila e, dapat binagalan namin iyong laro."

Para naman sa kanyang kakamping si Arwind Santos, ang naging bayani ng kanilang pagbabalik sa Game Two, inamin nito na nawala siya sa focus na naging dahilan upang magkulangng tiwala ang kanyang mga kakampi, bukod pa na naging masama ang kanyang shooting sa 3-point arc kung saan ay nakagawa lamang siya ng 3-of -11 nang magsimulang humabol ang Aces sa fourth quarter at burahin ang kanilang naitalang 21-puntos na bentahe sa third period sa Game Three.

Maliban dito, kailangan din aniya nilang malimitahan, kung hindi maiiwasan, ang magkaroon ng turnovers na naging susi sa pagkabigo nila sa Game One at Three.

"Dapat mahanapan namin ng solusyon iyong habit namin na nagre-relax kapag nakalamang ng malaki. Kailangan ding malimitahan iyong turnovers kasi doon sila nakahabol tapos hindi na kami nakaconvert," ayon kay Santos.

Sa panig naman ng Aces, batid nila na hindi pa sila ganap na nagtatagumpay at sinabi ni Calvin Abueva na kailangan nilang manatiling focus hangga't hindi pa tapos ang kanilang misyon.

"Alam naman natin na hindi pa tapos ang series, so dapat focus lang kami sa game. Hindi pa kami dapat na magsaya."