Hindi lamang ang pambansang atleta, kundi maging ang mga militar, guro at kabataang atleta na mula sa mga probinsiya ang mabibigyan ng kaalaman sa gaganaping serye ng Sports Science Seminar ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Multi-Purpose Arena sa Pasig City.

Ito ang inihayag ni PSC Chairman Richie Garcia sa isinagawang press conference hinggil sa itataguyod na serye ng Sports Science Seminar na dinaluhan ng sports coordinators, officials, administrators at coaches.

Umabot sa kabuuang 447 katao ang inisyal na dumalo sa unang tatlong araw na seminar na kinabibilangan ng 98 representante ng LGU’s, 143 coaches, 75 colleges at universities, na 94 mula sa Department of Education (DepEd) at 37 iba pa na personal na dumalo.

“Since we conceptualized this seminars, more demands had been coming from the DepEd and Armed Forces of the Philippines,” sabi ni Garcia.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“They are absorbing more of the topics, they are implementing it after, and through this seminar that they know they are now doing the exercise the right way. If you do the exercise wrong, you may cause injury. They say that they are now really doing the right thing and are now progressing,” pahayag pa nito.

Una munang sinimulan ang seminar ni Olympic Council of Asia (OCA) Director General Husaain Al Musallam kung saan ay nagbigay din ng kanilang suporta sina Philippine Olympic Committee (POC) secretary general Steve Hontiveros, 2nd Vice President Jeff Tamayo at Treasurer Julian Camacho.

Nasa bansa din ang OCA President na si Sheikh Fahad Al-Sabah upang suportahan ang pagtuturong isinasagawa ni Scott Lynn sa Biomechanics at Strength and Conditioning at Terence Rowles na isang sports coaching consultant sa Sports Performance University sa Canada.

“There are still small areas to be improved and concentrated for functional growth” pahayag naman ni Rowles. “Each sports has a certain movement. Depending on what kind of sports, we do particular recommendations. The key to what we do is to follow the movement and do the movement perfectly, for a quality improvement.”

Una nang isinagawa ang fitness test para makagawa ng partikular na programa sina Rowles at Lynn sa mga national sports association (NSA) na wushu, rowing, dragonboat, canoe-kayak, boxing, wrestling, judo, muay thai, athletics at cycling.