Nararamdaman na ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na malapit nang matuloy ang Floyd Mayweather Jr.-Manny Pacquiao megabout sa Mayo 2.

Sinabi nito na patuloy ang ginagawang negosasyon nina promoter Bob Arum ng Top Rank at CBS CEO Les Moonves at unang napagkasunduan na gaganapin ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I do feel that [it’s closer than ever], but I don’t know because I’m a trainer and I’m not doing the negotiating. It sounds...everything sounds good out there. [Top Rank] are the inside guys, they know a lot more than me,” sinabi ni Roach sa BoxingScene.com.

“I hope it happens as much as everyone else in the world. I love a challenge and that is a good challenge for us,” dagdag ng Amerikanong trainer ni Pacquiao.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Una nang sinabi ni Pacquiao na ihahayag bago matapos ang Enero ang resulta ng negosasyon nina Arum na may kontrol sa kanyang promosyon at Moonves na may-ari ng Showtime na may eksklusibong kontrata naman kay Mayweather.

“The Mayweather fight will happen and we expect some form of announcement by the end of the month,” ani Pacquiao.

Pero iginiit ni Roach na hindi niya alam ang nagaganap sa negosasyon dahil hindi sila gaanong nag-uusap ng Pinoy boxer mula nang talunin nito si dating WBO light welterweight champion Chris Algieri.

“Me and Manny don’t speak that much. We speak when we see each other. I know where he is and he knows where I am,” diin ni Roach.

“He doesn’t box [outside of training camp], he just stays in shape and so forth. We don’t have a telephone relationship. If and when it happens I will be as surprised as you. I don’t have any idea as to what’s happening right now,” dagdag ni Roach.