Enero 12, 1866 nang maitatag ang Royal Aeronautical Society na orihinal na tinawag na The Aeronautical Society of Great Britain. Itinatag ito “for the advancement of aerial navigation, and for observations in aerology connected therewith.”

Ilan sa mga nagtatag ay sina His Grace The Duke of Argyll, James Glaisher, Hugh Diamond, F.H. Wenham, James Butler at F.W. Brearey. Ang unang pulong nito ay idinaos sa Society of Arts noong Hunyo 27, 1866 at tinalakay ni Wenham ang tungkol sa aerial locomotion.

Noong 1938, inilipat ang headquarters nito sa kasalukuyan nitong lokasyon sa No. 4 Hamilton Place in London, England. Taong 1940 nang binuo nito ang technical department upang tutukan ang pagpapalawak ng aircraft industry sa kasagsagan ng World War II.

Binubuo ng halos 20,000 miyembro mula sa 100 bansang kasapi ang multidisciplinary professional institution.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'