CJH Golf Course

Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY C. COMANDA

ANG Fil-Am Golf Tournament ang itinuturing na pinakamalaki at pinakamahabang golf tournament, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, na ginaganap tuwing ikalawang linggo ng Nobyembre hanggang sa unang linggo ng Disyembre.

Sa 65th Fil-Am Invitational Golf Tournament nitong 2014 ay tumaas sa 1,225 golf afficionados, mula sa may 235 koponan ang lumahok sa 18 araw na kompetisyon sa pinakamalaking golf courses ng Camp John Hay at Baguio Country Club, na nagsimula noong Nobyembre 19 at tumagal hanggang Disyembre 6.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hindi lamang mga lokal na golfers ang sumali kundi mula sa Asia Pacific, United States, Okinawa, Guam, Saipan, Australia at New Zealand. Ang tournament na ito ay nilalahukan din ng professional golfers, mga pulitiko, negosyante, artista at marami pang iba.

Noong 1949, ang sikat na aktor na si Rogelio dela Rosa, ay madalas mag-shooting ng pelikula sa Baguio City at naging libangan ang paglalaro ng golf sa Camp John Hay, hanggang sa makilala at makalaro niya ang Base Commander na si Major Archie Black at Base Civil Engineer Tucker West.

Nagplano sila na gawin ang unang Fil-Am golf tournament at para maging matagumpay ang okasyong ito ay inimbitahan nina Major Black at West ang golfers mula sa American military bases sa Pilipinas, samantalang inimbitahan naman ni Dela Rosa ang golfers sa Maynila.

Simula noon ay naging taunan na ang Men’s Fil-Am Golf Tournament sa Camp John Hay na nagpatuloy na sumikat at kinilala ng golfers, hanggang naging katuwang ng Camp John Hay ang Baguio Country Club noong 1957 para sa akomodasyon ng lumalagong mga partisipante tuwing tournament.

Bagamat wala na ang tatlong organizer ng Men’s Fil Am Golf Tournament, nananatili ang pagkilala sa kanila ng kasalukuyang organizers ng okasyong ito, maging ang patuloy na suporta ng mga manlalaro.

Bukod sa pinakamagandang golf courses ay napapalibutan ng pine trees ang BCC at CJH, kasabay ang malamig na klima.

Bukod sa ekonomiya na hatid ng Fil-Am Golf Tournament sa siyudad ng Baguio, nagiging turista rin ang mga manlalaro na karamihan ay kasama ang kani-kanilang pamilya at sa oras ng pahinga at pagkatapos ng event ay nililibot nila ang tourist spots sa lungsod at mga katabing bayan bago sila umuwi.