MIAMI (AFP) – Isang partikular na matinding flu ang nananalasa ngayon sa Amerika, pinatay ang 26 na bata at halos madoble ang mga naitatalang naospital sa mga mahigit 65 anyos nito lamang nakalipas na linggo.

Responsable sa nakamamatay na flu season ang H3N2, na sa nakalipas na mga taon ay napatunayan nang mas delikado kaysa iba pang uri ng trangkaso.

“It is shaping up to be a bad year for flu,” sinabi ni US Centers for Disease Control and Prevention chief Tom Friedens sa mga mamamahayag. “H3N2 is a nastier flu virus than the other flu viruses.”

Karaniwan nang nakaaapekto ang flu sa lima hanggang 15 porsiyento ng populasyon. Mapanganib ito para sa mahihina ang immune system, kabilang ang matatanda at mga bata.
National

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42