Dalwang debotot ang namatay habang libong iba pa ang nasugatan at nasaktan sa idinaos na Traslacion para sa Mahal na Poong Nazareno nitong Biyernes, na inabot ng 19 na oras o hanggang Sabado ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, kabilang sa dalawang namatay ang 44-anyos na si Renato Gorion, miyembro ng Hijos del Nazareno, na tauntaong umaalalay sa imahen ng Nazareno.

Sabado naman ng madaling araw nang isa pang deboto, na naipit ng maraming tao sa andas, ang isinugod ng Philippine Red Cross sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit dead on arrival na. Sinasabing naipit ang hindi kilalang lalaki ng mga sumusugod na deboto habang paparating ang andas. Ayon kay SPO4 Glenn Vallejo, ng MPD-Homicide Section, natagpuan ang lalaki na nakahandus ay malapit sa simbahan ng Quiapo, na puno ng mga galos at gasgas sa buong katawan. Posible umanong nag-collapse ang biktima sa stampede ng mga debot o habang ipinapasok ang imahen sa simbahan kaya naipit ito at namatay.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!