Pope Francis greets Angelina Jolie, at the Vatican, Thursday, Jan. 8, 2015. The actress, director and U.N. special envoy met briefly with Pope Francis Thursday in the Apostolic Palace after screening her film

VATICAN CITY (AP) – Personal nang nakilala ni Angelina Jolie ang ilang rock stars, refugees, at royalty.

Idinagdag ng aktres, director at U.N special envoy sa kanyang listahan ang personal na pakikipagkilala kay Pope Francis matapos ipalabas ang pelikula niyang Unbroken na napanood ng ilang opisyal at ambassador sa Vatican.

Ayon sa Vatican, kasama ni Angelina ang dalawa niyang anak nang nagtungo mismo sa Pontifical Academy for Sciences upang panoorin ang pelikula, na nagtatampok kay Louis Zamperini, isang Olympic track star na bumulusok ang sinasakyang B-24 bomber sa Pacific noong kasagsagan ng World War II. Nakaligtas siya at ang dalawa niyang kasamahan sa loob ng 47 araw.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Ayon sa Vatican spokesman na si Rev. Federico Lombardi, ang pelikula ay nagpapakita ng “positive human and spiritual values, in particular forgiveness.”

Bagamat hindi napanood ni Pope Francis ang pelikula ni Angelina ay personal naman niya itong nakausap kahit sandali lamang sa Apostolic Palace kasama ang mga anak, kapatid at katrabaho nito sa pelikula. Ang pagtitipon ay isinaayos ng Argentine head ng political academy na si Monsignor Marcelo Sanchez Sorondo, malapit na kaibigan ni Pope Francis.

Makikita sa mga larawan na nakasuot si Angelina ng itim na suit—bilang pagtalima sa nais ni Pope Francis — marahan itong nakadaupang palad habang nakangiti sa Papa.

Nilinaw ni Lombardi na ang nasabing pagtitipon ay hindi ganoon kapormal, kundi isang normal at simpleng batian.

“It all lasted just a few minutes, even though it was naturally very significant for those present,” pahayag ni Lombardi.