Mga laro ngayon: (JCSGO Gym)

12 p.m. Bread Story vs. Wang’s Basketball

2 p.m. Cebuana Lhuillier vs. Cafe France

4 p.m. Cagayan Valley vs. Tanduay Light

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Makasalo ang Hapee sa pamumuno ang tatangkain ng Cagayan Valley habang palalakasin ng Cebuana Lhuillier at Cafe France ang kanilang tsansa para sa twice-to-beat incentive sa pagpasok ng playoffs sa kanilang pagsalang ngayong hapon sa magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Napag-iwanan lamang ng isang panalo ng Fresh Fighters ang Rising Suns na may taglay na malinis na barahang 7-0 (panalo-talo) kaya’t sisikapin nilang tumabla sa una sa pagsabak nila kontra sa Tanduay Light sa tampok na laro sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Sa panig naman ng kanilang kalaban, maghahabol ang mga ito upang makabangon mula sa natamong pagkabigo sa kamay ng Jumbo Plastic sa nakaraan nilang laban at masiguro ang huling slot sa playoff round.

Taglay ang barahang 4-4 (panalo-talo), tatargetin ng Rum Masters ang ikalimang panalo para umagwat sa bumubuntot sa kanila na AMA University (3-5) na may tsansa pang makahabol sa kanila kung magwawagi sa huling dalawa nilang laban at mabigo naman ang Tanduay.

Magkasunod naman sa ikatlo at ikaapat na puwesto kabuntot ang namumunong Hapee at Cagayan, magpapakatatag sa kanilang kapit sa posisyon ang Gems at Bakers sa kanilang pagtitipan sa ikalawang laro sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Kung outright semifinals berth ang nakalaan sa top two teams sa pagtatapos ng elims, bentaheng twice-to-beat naman ang makakamit ng magtatapos sa No. 3 at No. 4 teams papasok sa quarters kontra sa aakyat sa No. 5 at No. 6 squad.

Kapwa galing sa mahabang break, halos patas ang nakikitang laban sa pagitan ng Cebuana (4-3) at Cafe France (6-2) kung saan ay inaasahan ang mas matinding laro para sa hinahangad na tagumpay.

Samantala, kapwa naman wala ng tsansa sa susunod na round, makapagtala na lamang ng magandang pagtatapos ang habol ng Bread Story Lyceum at ng Wang’s Basketball sa alas-12:00 ng tanghali.