BILANG bahagi ng siyam na taon na preparasyon na nagsimula noong 2013, para sa ikalimang sentenaryo ng pagdating ng Kristiyanidad sa Pilipinas, idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang 2015 bilang Year of the Poor. Nangunguna sa isang taon napagdaraos, na opisyal na nagsimula noong Nobyembre 23, 2014, sa pagtatapos ng Year of the Laity, ay ang National Secretariat for Social Action ng CBCP na may suporta mula sa mga sister commission at 85 diocese ng bansa.

Sa pagpokus sa maralitang sektor ng ating lipunan, hinihimok ng CBCP ang lahat ng sektor at institusyon na maging maingat sa kanilang mga desisyon at aksiyon, at suportahan ang laban sa karukhaan at ang pagsira ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatatag ng masisiglang komunidad kung saan ginagamit nang mahusay ang resources at ang ipinamamahagi nang patas ang nalikhang yaman. Nananawagan din ito sa pagkakaroon ng isang ekonomiya na tumutugon sa “unconscionable poverty of the fishermen, the farmers, and the urban workers,” isang global economy na kabilang sa benepisyo ang maralita. Isinusulong ng tema ng isang edukasyon na nagtataguyod ng respeto para sa lahat ng tao, bilang mga anak ng Diyos, at mahalaga sa pakikipaglaban sa kahirapang nakasisira ng dangal. Hinihimok ng ating mga obispo ang pagtatayo ng isang lipunan ng diyalogo sa pagkakaiba-iba at kapayapaan, at ang wakas ng mga digmaan na ang mga dukha ang tunay na biktima.

Sa pagdaraos ng Year of the Poor, balak ng Archdiocese of Manila na magsagawa ng isang serye ng poverty summit sa buong 2015, alinsunod sa vision-mission ni Pope Francis na ang Simbahang Katoliko ay “a poor church serving the poor with mercy and compassion”. Layunin ng mga summit ang pagkalooban ng paraan ang mga miyembro ng pinakamahirap na sektor na talakayin sa kanilang mga pari ang kanilang iba’t ibang isyu at suliranin. Sa isang news post ng CBCP, ang CBCP, sa pastoral exhortation nito na “To Bring Glad Tidings to the Poor,” ay tinawag ang karukhaan na isang “social scandal for which we cannot just blame government,” dinagdag ang “need to understand our role in it, our personal responsibility for it in our individual lives and shared cultures, and return to Jesus.”

Noong Hulyo 2012, ipinahayag ng CBCP na ang “nine-year journey for the New Evangelization” ay magkakaroon ng iba’t ibang tema bawat taon - Integral Faith Formation (2013), The Laity (2014), The Poor (2015), The Eucharist and the Family (2016), The Parish as a Communion of Communities (2017), The Clergy and Religious (2018), The Youth (2019), Ecumenism and Inter-Religious Dialogue (2020), and Mission advents (Mission to the Nations) (2021).

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ang inisyatibang ito ay inspirado ng Polish episcopate’s “great novena” mula 1957 hanggang 1966 bilang pagdiriwang ng ika-1,000 taon ng ebanghelisasyon ng Poland na nagpatibay sa Catholic identity sa Communist era.

Ang siyam na taon na plano ng CBCP ay tumatanaw ng pasasalamat at galak sa Marsi 16, 1521, ginugunita sa unang misa sa Limasawa Island noong Marso 31, 1521 (Pasko ng Pagkabuhay), at sa pagbibinyag ni Rajah Humabon at maybahay niyang si Hara Amihan na hinandugan ni Ferdinand Magellan ng imahe ng Niño Jesus na mas kilala ngayon sa tawag na Sto. Niño de Cebu, ang pinakamatandang religious icon sa Pilipinas.

Habang tumutugon tayo sa iba’t ibang tema ng siyam na taon na plano para sa New Evangelization, buong galak nating asaming ipagdiwang ang 2021 bilang taon ng great jubilee para sa Simbahan ng Pilipinas!