Pinuri ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbibigay ng executive clemency ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa matatanda at mga may sakit na preso.

Ayon kay CBCP president at Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang aksyon ng pangulo ay pagpapakita na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maging nasyon na puno ng pagpapala at pakikiramay.

“The CBCP lauds the President’s action and sees it as a signal that we are indeed trying our best to be a nation of mercy and compassion as Pope Francis urges all nations to be. The highest achievement of the penal and correctional system cannot be the suffering of the offender but his reintegration into society after he has owned up to his responsibility,” pahayag ni Villegas sa isang kalatas.
National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador