Mga laro ngayon (JCSGO Gym):

12pm -- AMA University vs. Cagayan Valley

2pm -- Racal Motors vs. Hapee

4pm -- Tanduay Light vs. Jumbo Plastic

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Mapatatag ang kapit sa top two spots na magbibigay sa kanila ng outright semifinals berth sa pagtatapos ng eliminations ang target ng mga nangungunang koponang Hapee at Cagayan Valley sa magkakahiwalay na laro ngayon ng nakatakdang triple-header sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Mauunang sumabak ang Rising Suns kontra delikadong AMA University ganap na alas-12 ng tanghali bago sumunod anag Fresh Fighters sa ikalawang laro ganap na alas-2 ng hapon laban sa Racal Motors.

Magkasunod ngayon sa ibabaw ng team standings at kapwa rin unbeaten ang Hapee at Cagayan Valley hawak ang barahang 8-0 at 7-0, ayon sa pagkakasunod.

May tsansa pang nakahabol sa huling slot para sa playoffs, kailangang mawalis ng Titans ang kanilang nalalabing tatlong laro sa eliminations kabilang na ang laban nila ngayong hapon sa Rising Suns at umasang hindi makapitong panalo ang mga sinusundang Cebuana Lhuliier (4-3) at Tanduay Light (4-4) upang makahirit para sa huling dalawang slots sa playoff round.

Wala nang pag-asang makaabot pa ng susunod na round, mula sa kinalalagyan nitong ikawalong puwesto sa team standings hawak ang barahang 2-6 panalo kasalo ng Wangs Basketball, magsisikap na lamang ang Racal Motors na maging maganda ang kanilang pagtatapos sa unang pagsali sa liga.

Matinding bakbakan naman ang inaasahan sa huling laban ganap na ika-4 ng hapon sa pagitan ng Rum Masters at ng Jumbo Plastic.

Kasalukuyang nasa ika-apat na puwesto hawak ang barahang 5-3 panalo-talo, magpapakatatag ang Jumbo Plastic para sa target nilang twice-to-beat advantage papasok ng quarters.

Sa kabilang dako, sisikapin naman ng Rum Masters na makaagwat sa nakabuntot sa kanilang AMA Universityu at MJM Builders na kapwa may barahang 3-5, upang palakasin ang tsansa nila para sa huling dalawang playoff spots.

Batay sa format, matapos ang single round eliminations, diretsong uusad sa semis ang top two teams habang susunod na apat na koponan ay magtutuos sa quarterfinals kung saan may twice-to-beat advantage ang no.3 at no.4 teams kontra no.6 at no.5 at maaga namang magbabakasyon ang huling apat na teams.