ANG debosyon sa Sto. Niño ay laganap sa Pilipinas. Idinadambana ng mga Pilipino ang imahe ng Sto. Niño sa mga simbahan at sa kanilang mga tahanan kung saan naroong may ilaw ang Kanyang imahe, pati na rin sa mga pampublikong transportasyon, pribadong sasakyan, at kahit na sa mga turu-turo kung saan naka-display ang imahe, upang masumpungan ang Kanyang pagpapalâ, paghihilom, at mga himala.

May mga kapistahan ang idiniraos bilang parangal sa Sto. Niño sa Enero, ang “Buwan ng Niño Jesus”. May mga novena, misa, magarbong mga prusisyon, fluvial parade, at street dancing ang isinasagawa sa buwang ito. Pinasasalamatan ang Niño Jesus para sa mga panalanging tinugon at naghahangad ng Kanyang pagpapala para sa sarili at sa iba.

Ang pista ng Sto. Niño ay inaprubahan ng Vatican. Ang opisyal na pagdaraos ay tuwing ikatlong Linggo ng Enero, gayong may ilang probinsiya ang nadiriwang ng mga pista sa iba’t ibang petsa sa loob ng buwang ito – ang Sinulog sa Cebu, Dinagyang sa Iloilo, Ati-Atihan sa Aklan, Kahimunan sa Butuan City, Nasudani sa Oriental Mindoro, Dinagsa Ati-Atihan sa Negros Occidental, at Sto. Niño Festival sa Bulacan. Pinararangalan ng mga Manileño ang Sto. Niño sa Lakbayaw sa Tondo, Buling-Buling sa Pandacan, Pajotan de Sto. Niño sa Caloocan, at Bambino Festival sa Pasig. Mga mananayaw na nakasuot na pang tribu at may pinturang uling ang mga katawan at sumasayaw sa saliw ng “Hala, bira!” habang karga-karga ang imahe ng Sto. Niño.

Ang aktibidad ng pagtatapos para sa taon ay ang ika-41 Sto. Niño grand procession tungo sa katapusan ng Enero, sa pangunguna ng Congregacion del Santisima Nombre del Niño Jesus kung saan daan-daang imahe na isinakay sa mga karosa, kasama ng naka-costume na sumasayaw na mga deboto ang nanganglalakad sa Roxas Boulevard.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sa kasaysayan, ang debosyon sa Sto. Niño ay sinimulan sa bansa nang dumating ang manlalakbay na si Ferdinand Magellan noong 1521. Hinandugan ng mga Kastila si Reyna Hara Amihan, maybahay ni Rajah Humabon ng Sugbu Island, ng isang kahoy na imahe ng Niño Jesus sa kanilang pagbibinyag. Matapos ang isang sunog sa isla, natagpuan ng isang mandaragat na si Juan Camus ang imahe ng Niño Jesus sa isang kubo, ma milagrosong hindi nagalaw. Lumaganap ang debosyon sa buong bansa. Ang orihinal na imahe ng Sto. Niño de Cabu, ang pinakamatanda sa bansa, ay nakadambana ngayon sa Basilica de Minore de Sto. Niño sa Cebu City.