Zagreb (AFP)– Inamin ni US Open champion Marin Cilic noong Linggo na maaring hindi na siya makapaglaro sa Australian Open, ang pagbubukas na Grand Slam tournament sa season, dahil sa isang arm injury.

“An MRI exam in Zagreb showed that after some 20 days of therapy the situation with the (right upper arm) injury has improved,” pahayag ng 26-anyos na si Cilic sa AFP sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Igor Rajkovic.

“Since there is very little time for a full recovery and training, my appearance at the Australian Open is unfortunately under a big question mark.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

“I have not cancelled my appearance in Melbourne. I will leave it for another seven to eight days to see how the situation will develop.”

Iniulat ng Croatian media kamakalawa na kinansela ng world number nine na si Cilic ang kanyang partisipasyon sa Australian Open dahil sa nasabing injury na kanyang natamo ilang buwan na ang nakararaan ngunit mas grumabe noong nagdaang buwan.

Ang Australian Open ay mag-uumpisa sa Melbourne sa Enero 19.