Simula bukas, Enero 5, ay muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang nationwide voters’ registration para sa eleksiyon sa Mayo 2016.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kabilang sa mga maaaring magtungo sa Comelec para magparehistro ang mga first-time voter, nais magpa-validate ng biometrics, magpalipat ng registration, at magpa-reactivate ng rehistro.

Una nang sinuspinde ng Comelec ng dalawang linggo (Disyembre 20-Enero 4) ang nationwide voters’ registration bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, alinsunod sa Comelec Resolution 9853.

Nagsimula noong Mayo 2014, ang pagpaparehistro sa Comelec ay magtatapos sa Oktubre 31, 2015.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho