CUENCA, Batangas - Nilimas ng mga kawatan ang loob ng isang pawnshop habang nakabakasyon ang mga empleyado nito sa Cuenca, Batangas.

Umaga nang Enero 2 nang matuklasan ang pagnanakaw sa Tambunting Pawnshop-Cuenca makaraang magbalik sa trabaho ang mga empleyado nito. Hapon ng Disyembre 31 nang huling isara ang sanglaan.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Gerry Palon, dumaan ang mga suspek sa ilalim ng drainage para mapasok ang establisimyento at matangay ang mahigit P197,000 cash, P850,000 halaga ng mga alahas at electronic gadgets.

Mga klase, pasok sa tanggapan ng gobyerno suspendido sa Oktubre 31