Hindi naging pabaya ang gobyerno sa pagbibigay ng babala sa hagupit ng bagyong ‘Seniang’ sa bansa sa kabila ng maraming nasawi sa kalamidad, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.

Iginiit ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na sinunod ng mga ahensiya ng gobyerno ang kaukulang protocol sa pagbibigay ng impormasyon sa mga komunidad na daraanan ng Seniang hinggil sa posibleng epekto nito.

“It is definitely inappropriate to claim that government was unprepared or that the people were not adequately informed or alerted,” saad sa text message ni Coloma. “All necessary safety and alert protocols were issued and followed.”

Lumobo sa mahigit 50 ang nasawi sa bagyong Seniang, na karamihan ay biktima ng baha o pagguho ng lupa sa Samar, Leyte, Cebu at Bohol. - Genalyn D. Kabiling

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'