LAHAT ay gagawin upang makatulog nang maayos at kumpleto tuwing gabi. Base sa isang pag-aaral, ang pagtulog ay kritikal para sa nararamdaman, pag-iisip at pangkalahatang kalusugan, at magiging maganda ang pakiramdam matapos maipahinga ang katawan.

Narito ang ilan sa mga paraan upang mapabuti ang pagtulog:

  1. Maghanda ng alarm tuwing gabi. Kung kinakailangang matulog ng alas-11 ng gabi, ihanda ang alarm clock at i-set ng 10:30 ng gabi dahil ito ang magpapaalala na kailangan mo nang maghanda sa pagtulog upang masiguro na makukumpleto ang iyong pamamahinga.
  2. Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

  3. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa harap ng computer, gamitin ang f.lux. Ito ay isang computer program na ang brightness ng iyong monitor ay bumabase sa oras — madilim sa gabi at maliwanag kung araw.
  4. Hangga’t maaari tuwing babangon sa umaga, tignan ang sikat ng araw. Maaaring magbasa ng diyaryo habang humihigop ng mainit na kape.

(Yahoo News/Health)