LAHAT ay gagawin upang makatulog nang maayos at kumpleto tuwing gabi. Base sa isang pag-aaral, ang pagtulog ay kritikal para sa nararamdaman, pag-iisip at pangkalahatang kalusugan, at magiging maganda ang pakiramdam matapos maipahinga ang katawan.
Narito ang ilan sa mga paraan upang mapabuti ang pagtulog:
- Maghanda ng alarm tuwing gabi. Kung kinakailangang matulog ng alas-11 ng gabi, ihanda ang alarm clock at i-set ng 10:30 ng gabi dahil ito ang magpapaalala na kailangan mo nang maghanda sa pagtulog upang masiguro na makukumpleto ang iyong pamamahinga.
- Kung ikaw ay nagtatrabaho sa harap ng computer, gamitin ang f.lux. Ito ay isang computer program na ang brightness ng iyong monitor ay bumabase sa oras — madilim sa gabi at maliwanag kung araw.
- Hangga’t maaari tuwing babangon sa umaga, tignan ang sikat ng araw. Maaaring magbasa ng diyaryo habang humihigop ng mainit na kape.