Disyembre 31, 1999 nang ipaubaya ng United States sa Panama ang kontrol sa 80-kilometrong Panama Canal, kasunod ng implementasyon ng Torrijos-Carter Treaties. Ipinagdiwang ito ng Panamanian.

Mahigit 56,000 katao ang nagtayo ng nasabing canal simula 1904 hanggang 1913 at ginastusan ito ng $375 million. Itinuturing itong isang engineering breakthrough.

Taong 1977 nang pirmahan nina noon ay US President Jimmy Carter at Panama General Omar Torrijos ang dalawang kasunduan matapos ang halos dalawang dekada ng protesta ng mga Panamanian.

Ang Panama Canal ay binubuo ng tatlong set ng lock, ang Gatun, Pedro Miguel at Miraflores, na ginamit sa pag-aangat ng mga bangka nang hanggang 85 talampakan.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya