Ipinagbawal ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbisita ng mga kaibigan ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) bilang bahagi ng panibagong security na ipinatutupad ng mga opisyal ng pasilidad kasunod ng pagkakadiskubre kamakailan ng mga armas at kontrabando sa mga selda.

Ipinatupad ang paghihigpit sa seguridad isang araw matapos isuko ng mga preso ang maraming armas, patalim, drug paraphernalia at cell phone mula sa Maximum Security Compound (MSC), bunsod ng ultimatum na inilabas ni Justice Secretary Leila de Lima.

Sinabi ni NBP Superintendent Richard Schwarzkopf na hindi muna papayagan ang mga kaibigan ng mga preso na makapasok sa pasilidad.

Aniya, tanging mga miyembro lang ng pamilya ng mga preso ang maaaring makabisita sa MSC.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Inatasan ni De Lima ang mga opisyal ng BuCor na mahigpit na ipatupad ang mga probisyon ng BuCor Operating Manual, gaya ng pagbabawal sa mga bilannggo na gumamit at magkaroon ng sariling cell phone sa loob ng piitan.

Apat na opisyal ng NBP ang sinibak sa puwesto matapos ang pagbisita ni De Lima sa pasilidad noong Lunes. (Jonathan Hicap)