SURABAYA, Indonesia (AP) — Sinusuyod ng mga search plane at barko mula sa iba’t ibang bansa noong Lunes ang karagatan ng Indonesia kung saan naglaho sa itaas nito ang isang AirAsia jet sakay ang 162 katao, mahigit isang araw ang lumipas sa huling aviation mystery sa rehiyon, at duda ang mga opisyal kung mayroon pa itong ibang wakas maliban sa trahedya.
Naglaho ang AirAsia Flight 8501 noong Linggo sa kalawakan na binabalot ng makapal na ulap sa kanyang daan mula Surabaya, Indonesia, patungong Singapore. Pinalawak na ang paghahanap noong Lunes, ngunit wala pa ring nakikitang anumang bakas ng Airbus A320.
“Based on the coordinates that we know, the evaluation would be that any estimated crash position is in the sea, and that the hypothesis is the plane is at the bottom of the sea,” sinabi ni Indonesia search and rescue chief Henry Bambang Soelistyo sa isang news conference.
Sinabi ni First Adm. Sigit Setiayana, ang Naval Aviation Center commander sa Surabaya air force base, na 12 navy ship, limang eroplano, tatlong helicopter at ilang warship ang tumutulong sa paghahanap, kasama ang mga barko at eroplano mula sa Singapore at Malaysia. Nagpadala na rin ng search plane ang Australian Air Force.
Pinahirapan ang paghahanap ng malakas na ulan noong Linggo, ngunit sinabi ni Setiayana noong Lunes na bumuti na ang visibility. “God willing, we can find it soon,” aniya sa The Associated Press.
Ang paglaho ng eroplano at pinaghihinalaang pagbulusok nito ang nagsara sa nakakamanghang trahedyang taon para sa air travel sa Southeast Asia. Nangunguna sa mga trahedya ng Malaysia-based carrier ang hindi pa rin maipaliwanag na paglaho ng Malaysia Airlines Flight 370 noong Marso at ang pagbagsak ng Malaysia Airlines Flight 17 noong Hulyo sa Ukraine.
Ang huling komunikasyon ng cockpit sa air traffic control ay naitala 6:12 a.m. (23:12 GMT Saturday), nang hilingin ng isa sa mga piloto na magtataas sila ng altitude mula sa 32,000 feet (9,754 meters) sa 38,000 feet (11,582 meters), sinabi ni Murjatmodjo. Ang jet ay huling nakita sa radar dakong 6:16 a.m. at naglaho makalipas ang isang minuto, ayon sa mamamahayag.
Lumipad si AirAsia group CEO Tony Fernandes sa Surabaya at sinabi sa isang news conference na ang pokus nila sa ngayon ay sa paghahanap at sa mga pamilya sa halip na sa sanhi ng insidente.
“We have no idea at the moment what went wrong,” ani Fernandes, isang Malaysian businessman na itinatag ang low-cost carrier noong 2001. “Let’s not speculate at the moment.”
Ang Malaysia-based AirAsia ay may magandang safety record at hindi pa nawawalan ng eroplano.