Umaasa si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na matutuloy pa ang pulong nila ni Pangulong Benigno S. Aquino III, na isa sa malilinaw na senyales na muling uumpisahan ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng komunistang grupo.

Sinabi ng Sison na posibleng matuloy ang kanilang pagkikita ng Pangulo kapag mayroon nang substantive agreement at may pakinabang ang magkabilang panig sa gagawing pag-uusap.

Matatandaang una nang plinano ang pulong ni Pangulong Aquino kay Sison noong 2012 matapos ang matagumpay na pakikipag-usap ng presidente sa pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Tokyo, Japan noong 2011.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente