PBA-San-Miguel-vs-TalkNtext_01pionilla_231214-509x500

Laro ngayon: (MOA Arena)

7 p.m. Talk `N Text vs. San Miguel Beer

Ganap na maangkin ang unang slot sa kampeonato ang tatangkain ng San Miguel Beer sa muli nilang pagtutuos ng Talk `N Text sa Game Four ng kanilang best-of-7 semifinals series sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Taglay ang malaking bentaheng 3-0 sa serye, kasunod ng kanilang 96-95 panalo sa Game Three, hangad ng Beermen na mawalis na ang serye at pormal nang makausad sa titulo.

Ngunit sa kabila ng malaki nilang kalamangan at pumapanig din sa kanila ang kasaysayan kung saan wala pang koponan na nakabalik at nagwagi matapos maiwan sa 0-3, gusto pa ring makatiyak ng Beermen na ‘di mabubulilyaso ang kanilang pag-atake.

Sariwa pa sa kanila ang alaala sa nangyaring pagkabigo sa kamay ng Tropang Texters kung saan lamang sila sa 3-1 sa kanilang semifinals series sa nakaraang Philippine Cup, taglay pa nila noon ang pangalan bilang Petron, natamo nila ang nakapanlulumong 91-92 kabiguan sa Game 7, 3-4.

At para makasiguro sa panalo, ‘di nagbakasyon ang Beermen at bagkus ay nagensayo pa rin sila sa bisperas ng Pasko.

``Tapos na ‘yun, pero hindi pa rin namin nakalilimutan ang nangyari at kung puwede ayaw na naming maulit ‘yun,`` pahayag ni Arwind Santos.

Para naman sa Tropang Texters, aminado naman si coach Jong Uichico na hirap silang depensahan ang Beermen dahil sa lalim ng bench ng mga ito at sa dami ng sumusuporta sa kanilang main man na si Junemar Fajardo.

``In Game Two it`s Cabagnot (Alex) who played well. Then the next game another one (Arwind Santos) .They have so many poisons, so we just have to do the best that we can in containing everyone because they made shots,`` ayon kay Uichico.

Gayunman, bagamat sinasabing `suntok sa buwan`, nangako naman ang buong Tropang Texters na gagawin nila ang lahat para pigilan ang Beermen.