Ni DANNY J. ESTACIO

LOPEZ,Quezon– Pitong behikulo ang nagkarambola na nagresulta sa pagkamatay ng isang pasahero at pagkasugat ng 13 iba pa, limang minuto bago ang Noche Buena sa barangay Gomez, sa bahagi ng Maharlika Highway, sa bayang ito.

Kinilala ni local police head Supt. Edcil Canals ang namatay na biktimang si Gertrudes Batanes, pasahero ng isang tricycle, na idineklarang patay sa ospital, dahil sa tinamong malubhang sugat nang tumilapon siya sa sinasakyang tricycle at nasagasaan ng isa pang behikulo.

Ang iba pang nakilalang biktima ay sina Reniel Sunico Barrientos, 34; driver ng Kawasaki tricycle at residente ng Bgy. Jongo at ang kanyang mga pasahero na sina Francisca B. Agaton, 78, biyuda; Marilyn J. Torres, 47; Jervin Jogera Torres, 12, at Jemile J. Agaton, 6, lahat ay residente ng Bgy. Jongo; Eduardo Escleto Nullan, driver ng Honda tricycle, 42, residente ng Bgy. Pansol at ang kanyang mga pasahero na sina Maila A. Imperial, 27, at residente ng Bgy. Mal-Ay; Gertrudes C. Batanes, 64, at residente ng Bgy. San Vicente, bayan ng Gumaca; Freddie Villafañe Lagos, 63, driver ng AUV Mistubishi na may plate number DTK-693, at residente ng Bgy. Sugod, sa bayan ng Lopez; Donald A. Baltazar, Yamaha tricycle driver, 23, at residente ng Bgy. Gomez; Ronald O. Vilar, Yamaha tricycle driver, 37, residente ng Bgy. Bocboc; Mark Anthony Joson Lagronas, 38, Toyota SUV driver na may plate number YG-8240, at residente ng Taguig City; Windouz S. Tianco, 28, driver ng SUV plate number XSC 538, 28, at residente ng Quezon City. Ang namatay na biktima ay pasahero ni Nullan.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon sa mga ulat, dakong 11:55 p.m. noong Disyembre 24, 2014, binabaybay ng suspek na si Luis S. Centenera, 37, driver ng Mitsubishi Adventure na may plate number EVS-940 at nakatira sa 405 Diamond St., Filoville Subd., Calauag, Naga City, ang Maharlika Highway mula sa Bicol Region patungong Manila nang bumangga siya sa Kawasaki tricycle na minamaneho ni Barrientos, at sunod na binangga ang Honda tricycle ni Nullan, at tumuloy sa Mitsubishi ni Lagos, na tumama naman sa Yamaha tricycle ni Balatazar at sa Yamaha tricycle ni Vilar bago bumangga naman sa Toyota SUV ni Lagronas, na tumama naman sa SUV ni Tianco.