Nakataas pa rin sa Metro Manila ang yellow rainfall warning at sa pito pang karatig-lalawigan bunsod na rin sa buntot ng cold front.

Bukod sa Metro Manila, kabilang din sa apektado ng nasabing rainfall warning Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Bulacan, Bataan at katimugang bahagi ng Zambales.

Ipinaliwanag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Batangas, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at natitirang bahagi ng Zambales.

Paliwanag naman ni weather specialist Chris Perez ng PAGASA na dapat nang asahan ng publiko ang patuloy na pag-ulan hanggang ngayong araw.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Paglilinaw ng PAGASA, wala silang namamataang anumang low pressure area (LPA) sa bisinidad ng Philippine area of responsibility (PAR) hanggang kahapon.