Magbabalik agad sa pagsasanay ang mga miyembro ng Alliance of Boxing Associations in the Philippines (ABAP) gayundin ang Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF) matapos lamang ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon upang makapaghanda sa 28th Southeast Asian Games na gaganapin sa Singapore sa Hulyo 5 hanggang 16.

Sinabi ni ABAP Executive Director Ed Picson na balik ensayo ang lahat ng miyembro ng national at training pool sa Enero 5 para sa natitirang anim na buwan ng paghahanda at pag-eensayo ng mga boksingero na nakatakda nitong piliin sa sasalihang anim na weight division.

“Bawal bumigat,” sabi ni Picson. “Agad namin silang titimbangin pagbalik sa gym at kapag sumobra sa kanilang timbang ay agad silang magpapawis ng maaga,” sabi pa nito.

Iniklian din ng mga opisyales ng canoe kayak at dragon boat ang kanilang bakasyon bilang paghahanda sa mas maagang pagsasagawa ng ika-28 edisyon ng Singapore Southeast Asian Games.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Inihayag ni PCKF head coach coach Len Escollante na binigyan lamang nila ang dalawang koponan ng dalawang araw na mismong Disyembre 25 at Enero 1 upang iselebra ang panahon ng Kapaskuhan dahil na rin sa dapat nilang paghahanda para sa kada dalawang taong torneo na isasagawa sa Hunyo.

“Sakripisyo muna ngayon kasi napaaga ang SEAG,” sabi ni Escollante. “Masyadong maiksi ang preparation period natin kaya dapat na mag-adjust tayo kung gusto natin manalo,” sabi pa nito.

Kabuuang 17 gintong medalya ang nakataya sa canoe-kayak at walo naman sa dragon boat sa isasagawang kada dalawang taon na torneo.